Ang pamumuhay ngayon
Ang pagsulong at paglago ng makabagong teknolohiya ay napakabilis. Halos hindi ka maiinip sa paglabas ng mga bagong tuklas na kagamitan na makapagpapadali sa paggawa ng ating mga karaniwang gawain. Natutuwa tayo subalit hindi natin nabibigyan ng kaukulang pansin ang malaki at malawak na implikasyon o epekto nito lalo na sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Pinadali nga ng makabagong teknolohiya o bagong tuklas na mga kagamitan ang karaniwang gawain natin sa araw-araw ngunit naging kumplikado naman ang ating buhay. Katulad ng isinasaad ng kasabihan ngayon “technology makes life easier but complicated.”
Ang malaki at malawak nitong epekto ay makikita natin sa mga pagbabago sa estilo ng ating pamumuhay lalo na sa hanay ng makabagong henerasyon, ang mga kabataan. Ibang-iba na ang kanilang mga gawi sa lahat ng aspekto kanilang ng pamumuhay. Kapuna-puna ang kawalan ng pakialam ng ilan sa kanilang kapwa na malawakan at kahit saang lugar ka naroroon ay iyong makikita. Halimbawa na lang nito: sa pagsakay mo ng dyip, makikita mo na halos lahat sa kanila ay may nakapasak sa kanilang mga tainga para bang may sarili silang mundo. Kaya hindi agad nila marinig kung may pasaherong nakikisuyong iabot ang kanilang bayad kung minsan nga ay kailangan mo pang kalabitin para lamang mapansin ka. Ang malakas na pagkukuwentuhan at pagtatawanan ay mapupuna mo rin na tila ba sila lamang ang pasahero sa loob ng sasakyan. Ilan lamang ito sa iyong mapapansin sa halos araw-araw mong paglalakbay gamit ang mga pampublikong sasakyan.
Magkagayunman ang mga nabanggit ay napakasimple lamang kung tutuusin at maaring sabihin mong maliit na bagay lamang. Ang isa pa sa iyong mapupuna sa karamihan ng mga kabataan ngayon ay ang pagiging mapusok. Madalas ay gumagawa sila ng mga bagay-bagay na hindi muna nila pinag-iisipan ang maaaring maging resulta nito. Bagaman sa katotohanan ay mayroon na silang paunang kaunawaan o kaalaman kung ano ang maaring magiging epekto nito sa kanilang pansariling buhay, sa kanilang kinabukasan at sa kanilang pamilya sa kabuuan. Halimbawa na lang nito ay ang pagpasok ng marami sa pre-marital sex (PMS). Kadalasan ay hindi na sila makapaghintay sa tamang panahon na gawin ito sa tamang lugar at tamang pagkakataon.
Ang mga Kabataang Babae
Marami sa mga kabataang babae ngayon na kung tawagin sa wikang ingles ay “easy to get.” Marahil marami ka ng sitwasyong nasaksihan na kahit sa pakikipagtext (text mate) o pakikipagtawagan (call mate) lang ay nagiging magkarelasyon na. Sa sandaling sila naman ay magkita nang personal mas madalas sa hindi ay mayroon ng nangyayari na hindi pa dapat. Tila ba wala na silang pagpapahalaga sa kanilang sariling katawan o sa tinatawag na reputasyon, alam pa kaya ng maraming kabataan ang salitang ito ngayon? Ang nangingibabaw sa kanilang katawan ay ang paalpasin ang init ng puson na kanilang nararamdaman. Matapos ang lahat kapag sila ay iniwanan ay magtatanong pa kung bakit sila iniwan kaagad ng lalakeng pinagkalooban nila ng kanilang sarili. Masasabi na lang nila sa kanilang sarili na “siguro nga katawan ko lang ang gusto ng lalaking ‘yun.” Mula sa karanasan nilang ito hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakainis na isipin ang senaryong kapag may nakilala silang muli na kanilang namang magugustuhan ay agad din naman nilang ibibigay ang hindi pa dapat ibigay. Akmang-akma sa kanila ang isang awitin ni Gary Valenciano na pinamagatang “hindi na natuto.” Tama! Hindi na natuto sa una nilang pagkakamali para bang ang kanilang pinanghahawakan sa buhay ay ang kasabihan sa ingles na “try and try until you succeed.” Marami ang ganito sa kasalukuyang panahon. Tila tinangay na nga ng makabagong teknolohiya at liberalismo ang maingat at matinong pag-iisip ng karamihan sa kanila. Lalo na sa aspekto ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Sa ngayon kapag ang isang kabataang babae ay nagkaroon nang karelasyon ang kadalasang itatanong: gaano na kayo katagal? Kapag sinagot ito ng kausap mga ilang buwan na rin kaming magkarelasyon o kaya ay mahigit ng isang taon. Ang susunod na tanong ay, may nangyari na ba sa inyo? Kapag sinabi ng tinanong na wala pa. Ang kadalasang tugon ng nagtanong ay hindi nga! Maniwala naman ako sa’yo. Indikasyon lamang ito na hindi sila naniniwala sa tugon ng kausap. Para bang ang kaisipan ng maraming kabataang babae ngayon ay obligasyon na nilang ibigay ang kanilang katawan sa kanilang karelasyon bagaman ang katotohanan ay hindi gayon. Kaya kadalasan ang marami sa kanila ay naiiwang luhaan. Ang iba naman ay hindi lamang naiiwang luhaan kundi naiiwan pang may anak.
Ang mga Kabataang Lalake
Sa isang banda marami naman sa mga kabataang lalake ngayon ang maitutulad mo sa isang nanggagahasa o rapist. Ang kaibahan nga lang nila sa nanggagahasa ay sapilitang kinukuha nito ang kanilang gusto sa isang babae. Hindi gaya ng ilang kalalakihan na susuyuin o liligawan muna nila ang babaeng kanilang nagugustuhan. Pero sa sandaling makuha na nila ang kanilang gusto ay agad-agad naman nilang tatalikuran o iiwanan ang babae na luhaan. Maglalaho na na parang bula. Ano ang kanilang ipinagkaiba sa nanggagahasa? Wala. Dahil gaya ng nanggagahasa matapos nilang makuha ang kanilang gusto sa isang babae ay iiwanan na nila ito. Di ba’t wala silang pinagkaiba maliban sa puwersahan nitong (nanggagahasa) kinukuha ang kanilang gusto sa isang babae. Sa isang banda naman ay kusa namang ibinigay ng babae ang kaniyang sarili dahil sa pagtitiwala at paniniwalang mahal sila ng lalakeng pinagkalooban nila ng kanilang sarili. Marami ang kalalakihang ganyan ngayon na ang pagtingin sa isang babae ay parang isang kagamitan lamang na mapagpaparausan ng init sa kanilang puson ngunit pagkatapos ay kanila ng ibabasura at iiwanan. Maraming kalalakihan sa ngayon na ang pagtingin sa isang babae ay hanggang puson lamang.
May nakakatuwa pa ngang sitwasyon na nangyayari sa mga magkarelasyon ngayon. Kapag sila ay nagkasundo na gawin ang isang bagay na hindi pa dapat at kapag nagbunga ang kanilang kapusukan o kapangahasan at dumating ang pagkakataon na sinabi ng babaeng “buntis ako.” Magugulat pa ang lalake at sasabihing “paano nangyari yun?” Paano nangyari? Bugok! Hindi ba’t pinakialaman mo. Ang salitang napakasarap sabihin habang binabatukan mo. May pagkakataon pa ngang sasabihin ng babae “hindi ko naman ginusto ito” at ganoon din ang lalake, sasabihing “hindi ko rin naman ginusto ‘yan.” Ang senaryong ito ay madalas kong sinasabing “isang napakalaking katarantaduhan, nakapaghubad nga kayong dalawa at nangyari ang hindi pa dapat tapos sasabihin n’yong hindi n’yo ginusto.” Parang napakasarap sabihin sa mga ito ang salitang “mga tarantado kayo, sino ang lolokohin n’yo?” Nakakatawang, nakakainis ang ganitong sitwasyon. Ganito na nga bang mag-isip ang maraming kabataan ngayon? Gumagawa ng mga bagay na alam naman nila kung ano ang magiging resulta pero nagtatanga-tangahan na para bang hindi nila alam ang magiging resulta o bunga ng kanilang kapangahasan at kapusukan.
Ang ugat ng ganitong pangyayari
Marahil ang ganitong pangyayari ay naka-ugat sa pagiging liberal na ng maraming kabataan ngayon. Marami sa mga kabataan ngayon ang pinag-uusapan kahit pa nga sa mga pampublikong lugar ang mga paksang hindi dapat pinag-uusapan. Minsan kahit pa nga sa sasakyan ay pinag-uusapan nila ang mga bagay na dapat ay sa silid-tulugan lang. Hindi na sila nahihiya pang pag-usapan ito kahit pa nga sa harapan ng maraming tao na hindi naman nila kilala. Kung minsan ikaw na nakakarinig pa ang makakadama ng hiya. Maiisip mo na lang na kung nagkataong anak, pamangkin, kapatid o kaya ay kamag-anak mo ang mga ito ay dali-dali mo ng hinila pababa ng sasakyan at iuuwi mo na ng bahay. Minsan nga habang habang nakasakay ako sa dyip pauwi ng bahay nag-uusap ang isang kabataang lalake at isang kabataang babae at alam mo ba kung ano ang kanilang pinag-uusapan, tungkol sa sex. Ang sabi ng lalake “kailangan lagi siyang may dalang condom kapag nagtext ang syota niya dahil tiyak na may mangyayari.” “Magastos pala kayo” tugon ng babaeng kausap niya. “Kaysa naman mabuntis siya o kaya ay magkasakit ka pa ng STD” ang agad na sagot ng lalake. Mula sa simpleng pag-uusap nilang ito ay mapupuna ang kanilang paniniwala na mayroong “safe sex.”
Gayundin naman ay maririnig mo sa kanila ang matatag at malakas na pagsusulong at paninindigan para sa kanilang karapatan at kalayaang gawin ang lahat kanilang gusto. Ang gawin ang ipinagpipilitan nilang karapatan at kalayaan. Lagi nilang sasabihin “karapatan at kalayaan ko ito.” Sa paghahayag nila ng saloobing ito ay nakakaligtaan naman nila ang kaakibat nitong responsibilidad at pananagutan. Eh! Bakit nga ba nila bibigyang pansin ang bagay na ito? Ayaw nga nilang tanggapin sa kanilang sarili na ang bawat karapatan at kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan. Basta ang nananaig sa kanila ay karapatan at kalayaan ko ito. Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Marami sa kanila na laging ipinagpipilitan ang kanilang karapatan at kalayaan ngunit takot namang harapin ang kanilang responsibilidad at pananagutan. Ito ang ating henerasyon. Henerasyong takot harapin ang kanilang responsibilidad at pananagutan para sa inaangkin nilang karapatan at kalayaan. Isang duwag na henerasyon.
Ang malaking panganib na kinakaharap ng makabagong henerasyon
Kung ganito ang kalagayan ng makabagong henerasyon. Kung ganito silang mag-isip at tumingin sa mga bagay-bagay patungkol sa kanilang sarili at kapaligiran. Kung magpapatuloy ang ganitong gawi at kaugalian ng maraming kabataan, anong uri ng komunidad ang mabubuo at sasalubong sa panibagong henerasyon na susunod sa kanila? Idagdag pa dito ang mga bagong ideya at pananaw na itinatanim sa murang kaisipan ng mga bagong sibol na henerasyon sa pamamagitan ng midya. Ang mga pananaw na ibinabandera ng mga panoorin o palabas sa telebisyon na may malaking pinsalang maaring idulot sa mga hindi marunong mag-analisa at magsuri sa mga programa na kanilang pinapanood. Gaya na lamang ng isang telenobela sa isang istasyon ng telebisyon na pinamagatang “Rhodora X.” May isang senaryo na pinipilit ng abogada ang kaniyang kliyente na sabihing siya ay wala sa katinuan ng pag-iisip (under insanity) ng gawin niya ang krimen. Bagaman sa daloy ng programa ay hindi naman siya ang talagang pumatay. Napagbintangan lamang siya dahil siya ang inabutan sa lugar ng krimen. Nangyari ito dahil planado ng tunay na may sala ang mga pangyayari. Bilang karagdagan sa aklat na isinulat ni Dr. John F. MacArthur na pinamagatang “The Vanishing Conscience” ito ang isinasaad sa pahina 22 “in two separate cases in England, a barmaid who stabbed another woman to death in a barroom brawl, and a woman who angrily droved her car into her lover were both acquitted of murder after they claimed acute pre-menstrual syndrome (PMS) addled their thinking and cause to act in ways they could not control. Both received therapy rather than punishment.”
Ang aking punto ay hindi ang usapin kung ang nabanggit bang karakter sa programang Rhodora X ang tunay na may sala o hindi. Ang nais kong itawid ay ang kaisipang nais ipabatid ng programang nabanggit. At sa sinipi kong tala sa aklat na nabanggit ay talagang sila ang gumawa ng krimen. Ang punto ng mga nabanggit na halimbawa ay: maaring malusutan ang anomang kasalanan o maling gawi na iyong ginawa. Ang pananaw na: pag-iwas sa iyong mga magiging responsibilidad at pananagutan dahil sa iyong maling ginawa. Ang pagsasabing ikaw ay inosente sa pamamagitan ng paghahanap ng pagdadahilan. Sa pamamagitan ng paghanap ng maaari mong sisihin o naging sanhi kung bakit mo nagawa ang isang bagay na taliwas sa umiiral na batas o kaya ay sa pamantayang moral. Sukdulang sabihin mo na ikaw ay pansamantalang nawala sa matinong kaisipan ng pagkakataong ikaw ay nakagawa ng pagkakamali.
Ang tao sa kasalukuyan ay patuloy na humahanap ng pamamaraan kung paano tatakasan ang mga pagkakamaling kaniyang nagawa. Sa ganitong sitwasyon kung pagsasama-samahin natin ang gawi ng mga kabataang babae at lalake, ang liberal nilang pag-iisip, ang hindi nila pagtanggap o pagharap sa kanilang responsibilidad at pananagutan, ang iniaalok ng mundo na mayroong paraan kung paano mo tatakasan ang iyong pagkakamali at mayroong pwedeng sisihin kung bakit ka nagkaganyan. Sa huli ay palalabasin mo pang ikaw ang biktima ng komunidad na iyong kinabibilangan at may paraan para mapatunayan mo ito sukdulang sabihin mo na ikaw ay wala sa matinong kaisipan. Ang tanong, saan patungo ang makabagong henerasyon? Hindi ba’t sila ay nasa napakalaking kapahamakan.
Mapanghamon ang kontekstong kinalalagyan ng maraming kabataan ngayon at ng sumusunod sa kanila. Mapanghamon sa kadahilanang kung tayo ay magkikibit-balikat at hahayaan na lamang na hubugin sila ng kanilang kapaligiran ay tiyak na hindi natin mailalarawan ang magiging pinsala nito sa kanila. Kung hahayaan natin ang pananaw ng modernong panahon ang maging hulmahan ng kanilang buhay, saan kaya sila hahantong? Malinaw pa sa sikat ng araw na nakikita natin ang maari nilang kahinatnan. Magsasawalang kibo ka na lamang ba? Wala ka bang maaaring gawin? Hahayaan mo na lamang ba sila? Naniniwala akong mayroon kang magagawa para maisalba ang ilan sa kanila kung hindi man ang lahat. Kahit sa maliit na kaparaanan ay mayroon kang maiaambag. Ang tanong lamang ay handa ka bang maging bahagi sa pagsagip sa makabagong henerasyon na nasa tiyak na kapahamakan? Hinahamon ka ng sitwasyong kanilang kinalalagyan. Ano ang tugon mo?