DROGA
ni Michael G. Santos
“May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw.” Sa kasabihang ito sinimulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III (PNoy) ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na ginanap sa Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City, noong ika-28, 2014 sa ganap na ika-3 ng hapon. Simpleng mga pananalita at karaniwan na nating naririnig sa pangaraw-araw nating buhay. Subalit may mensahe na nais siyang ipasariwa sa gunita ng bawat Pilipino.
Sa biglang tingin ay para kaakit-akit ang naging pambukas na pananalita ni PNoy sa kanyang ikalimang SONA. Para sa marami nating mga kababayan na uhaw sa magagandang balita dahil sa mga hindi kaaya-ayang karanasan na kanilang naranasan, masasabi kong ang naging pag-uulat ni PNoy ay para lamang sa kanila at hindi para sa lahat ng mga Pilipino. Kung paanong parang pili lamang ang tinitira ng kasalukuyang administrasyon lalo na sa usapin ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Tila pili lang din na mga mamamayan ng bansang Pilipinas ang nais niyang pag-ulatan sa tunay na kalagayan ng ating lipunan. Para naman sa mga Pilipinong naghahangad talaga ng tunay at progresibong pagbabago ay kulang o tulyapis ang kanyang naging mensahe sa SONA.
Sa aking obserbasyon ang ibinigay na pag-uulat ay parang isang uri ng droga. Droga, tama ang iyong pagkakabasa, hindi ka namamalikmata o nagkamali sa mga titik na iyong nabasa. Ang droga ay isang uri ng gamot na pampasigla. Sa pamamagitan nito ay matatakasan mo ang tunay na nangyayari sa iyong kapaligiran at magiging manhid ang iyong pakiramdam sa anomang sakit na maari mong maranasan. Kapag ang isang tao ay sabog sa ipinagbabawal na gamot nakalilikha siya ng isang mundo, mundo na makikita at mararanasan mo lamang habang ikaw ay nasa impluwensiya nito. Subalit kapag lumipas na ang iyong tama balik ka sa reyalidad sa tunay na mundo sa tunay na mga kaganapan sa iyong paligid.
Pinili kong gamitin ang salitang droga para maipakita ang aking naging obserbasyon sa pag-uulat ng ating pangulo tungkol sa kalagayan ng ating bayan. Masarap pakinggan sa tenga ang kanyang mga sinabi. Para kang nanonood ng 24 ORAS o kaya ay TV Patrol. Sa kalikasan ng pagbabalita ngayon kung ating aanalisahin ay mapapansin nating ang nilalaman ng kanilang pag-uulat ay kung ano ang gustong marinig o mapanood ng taong bayan at hindi kung ano ang dapat nilang malaman. Ganito ang tono ng SONA para bang sinabi ni PNoy mga Boss, heto na, heto na, ang gusto ninyong marinig. Iisa-isahin ko na makinig kayong mabuti. Gaano katagal niyang sinabi ang mga ito?
Isang oras at kalahati ang kanyang ginugol para ibigay ang dala niyang droga sa taong bayan. Sinimulan niya ito sa pagbibigay ng mga parapernalya. Kasunod ang pagdetalye ng mga sangkap ng droga na kanyang ibibigay. Ang halimbawa nito ay ang mga datos na kanyang ibinigay. Kagaya ng droga, hindi mo ito magagamit ng wala kang parapernalya o mga kagamitan. Kaya maingat niyang inisa-isa ang mga ito sa harapan ng sambayanang Pilipino. Kaya sa palagay ko, magiging magaling na taga timpla siya ng kemikal pagkatapos ng kanyang termino.
Ang lahat ng mga pagbabago o pagsulong ay nangangailangan ng malaking halaga. Kaya sa lahat ng kanyang sinabing pag-unlad at progresong nangyari sa ating bansa ay sandamukal na pera ng bayan ang katumbas nito o ang kinailangang gastahin. Wala namang problema sa paggasta ng pera ng bayan. Ang punto dito ay kung paano ginasta. Nagbigay siya ng datos “halimbawa nito ay ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos. Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 percent po nito—o katumbas ng 146,731 graduates—ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho.” Mula sa datos na ito ay makikita natin na may malaking halaga mula sa kaban ng bayan ang ginamit. At ang hindi birong halaga na ito ay nagmula sa DAP na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema. Pansinin din ang pagkakabanggit niya “nag-ambag ang DAP” nangangahulugan lamang na ang halagang 1.6 billion pesos ay karagdagan lamang sa orihinal na pondo ng TESDA para sa programang nabanggit. Ang tanong ngayon ay magkano ang orihinal na pondo? Tila yata hindi niya nabanggit hanggang matapos ang kanyang pag-uulat.
Hindi ba’t halimbawa lamang ito kung paano nila ginagahasa o nilalapastangan ang kaban ng bayan na ipinagkatiwala sa kanila. Muli, upang hindi maramdaman ng kinauukulan ang paglapastangang kanilang ginawa at gagawin pa, ang sagot ay droga. Dahil wala ng pinakamabisang kasangkapan para hindi mapagtuunan ng pansin ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang ating kinapapalooban. Sa sistema ng lipunang may malubhang karamdaman at nabubulok na sugat imbes na gamot na makalulunas droga ang patuloy na ibinibigay.
Gaya ng aking nabanggit tumagal ng isang oras at kalahati ang SONA ni PNoy. Matiyaga at may pananabik kong pinakinggan ang bawat salita na kanyang sasabihin. Sa pag-asang mababanggit ang gamot na lulunas sa kabulukan ng sistemang umiiral lalo na sa paggamit sa pera ng bayan. Ang lulunas sa malawakang korupsyon na nagaganap pa rin sa ilalim ng kanyang administrasyon kahit pa nga ang adbokasiya nito ay “tuwid na daan” tungo sa mabuting pamamahala. Hindi kaya mas magandang gamitin ang salitang “mabuting katiwala.” Upang maging mabuting katiwala naman ang kailangan ay transparency. Na kahit na ang simpleng mamamayang Pilipino ay nalalaman kung paano ginasta ng katiwalang kanilang pinili ang perang kanilang ipinagkatiwala. Marahil, itatanong mo kung ano ang gamot na lulunas na malubhang sakit at nabubulok na sugat ng ating lipunan. O kaya ay itatanong mo, meron ba talaga?
Ang sagot ko ay OO. Ito ang Freedom of Information Bill (FOI) na hanggang ngayon ay nakabitin pa rin sa alanganin. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng access sa mga dokumento na may kaugnayan sa paggamit ng mga politiko sa pondo mula sa kaban ng bayan. Nagkaroon na ng kampanya at pangangalap ng lagda upang isabatas na ang panukalang ito. Subalit hanggang sa huling sandali ng kanyang pagtatalumpati ay wala siyang malinaw na plano. May mga binanggit siyang panukala na ihahain sa kongreso na may kaugnayan sa bumubukol na halaga para diumano sa pagsulong at progreso. Hindi naman masama ang kanyang sinabi, maganda naman ito sapagkat magdudulot ito ng magandang imahe sa ating bansa. Muli, droga na naman. Pero paano naman makatitiyak si Juan Dela Cruz na gagastahin ito ng tama. Para makatiyak na ito nga ay magagamit ng tama, kailangan ng isang batas na magbibigay kapangyarihan sa mga nagtiwala upang panagutin ang kanyang pinagkatiwalaan sa kung paano niya ginasta ang halagang ipinagkatiwala sa kanya.
Nakalulungkot mang isipin, subalit kung susuriin natin, sino nga ba talaga ang Boss? Sa mahaba niyang talumpati ay paulit-ulit niyang sinabi na ang Boss ay ang taong bayan. Ngunit hinihingi na ng Boss (taong bayan) na magkaroon na ng isang batas na magbabantay sa mga katiwala ng bayan. Pero wala siyang sagot ni hindi man nga lamang niya nabanggit ang FOI. Muli ang tanong ko, sino nga ba talaga ang Boss? Ang sagot mula po sa kanyang sinabi na sinabi ni Gobernador Mujiv Hataman “nagtataka nga po si Governor Mujiv Hataman ng ARMM at tinanong niya sa akin minsan, “Boss, paano nga po kaya nanganganak ang lupa?”” Ni hindi man lamang niya itinama si Gobernador Hataman ng tawagin siyang “Boss.”
Kung wala siyang malinaw na plano upang maging ganap na batas ang FOI. Wala tayong maaasahang lubos mula sa kanya kung paano lulunasan ang malalang sakit at nabubulok na sugat ng ating lipunan sanhi ng kanyang binanggit sa paunang bahagi ng kanyang talumpati “may burukrasyang walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.” Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.” Talagang walang maaasahan hangga’t droga ang ibinibigay sa taong bayan imbes na gamot na panglunas.
Freedom of Information Bill (FOI) hanggang Bill ka na lang ba? Hanggang pangarap ka na ba? FOI kailan ka kaya magiging isang reyalidad.